Ang walong marinong Pilipino mula sa MV Eternity C ay ligtas nang nakarating sa Saudi Arabia, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes. Nakaligtas sila matapos ang insidente ng pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea.
Pagdating nila sa port city ng Jizan, agad silang dinala sa kustodiya ng Philippine Consulate General sa Jeddah, kasama ang Migrant Workers’ Office-Jeddah at ang kanilang shipping agency.
Isasailalim ang mga seafarers sa medical checkup bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa pag-uwi sa Pilipinas sa mga darating na araw.
Nagpasalamat din ang DFA sa pamahalaan ng Saudi Arabia sa pagbibigay ng visa sa mga Pinoy crew bilang tulong makatao.
Matatandaang may 21 Pilipinong crew ang sakay ng MV Eternity C nang atakehin ito ng mga Houthi rebels habang nasa Red Sea.