Ang Honda ay naglunsad ng bagong update sa CB125F, na ngayon ay may start-stop system kahit ito ay manual. Karaniwan itong nakikita sa mga modernong kotse, kung saan awtomatikong namamatay ang makina kapag huminto sa trapiko at kusa ring bumabalik kapag umaandar na ulit. Ngayon, sa unang pagkakataon, makikita na ito sa manual na motorsiklo.
Ang start-stop o idling-stop ay tumutulong para makatipid sa gasolina at bawasan ang usok. Dati itong ginagamit sa mga modelong may CVT o DCT, gaya ng PCX125 at Gold Wing. Pero ngayon, gumagana na rin ito kahit sa regular na manual gearbox, gaya ng sa bagong CB125F.
May ilang parts lang ang inayos para gumana ito. Simula pa noong 2021, gumagamit na ang CB125F ng starter-generator imbes na regular na starter. Para sa 2026 model, dinagdagan ito ng mas malakas na battery at bagong ECU na nagmo-monitor ng takbo ng motor, throttle, clutch, side stand, at temperature. Kapag naka-idle ang motor, naka-pulled in ang clutch, at hindi gumagalaw, kusa nitong pinapatay ang makina.
Kapag binuksan ang throttle, kusa ring bumabalik ang makina. Napakabilis at halos hindi mo mapapansin. Gumagana ito kahit anong gear ka, basta nasa tamang kondisyon ang motor. Hindi ito aandar kung hindi pa mainit ang makina, o kung nakababa ang side stand.
Puwede ring i-off ang system kung ayaw mo itong gamitin. Magsisimula lang gumana ang system kapag lumampas ka ng 6mph (10km/h), kaya hindi ito bigla-biglang aandar habang mainit-init pa lang ang biyahe. Isa itong hakbang ng Honda para sa mas fuel-efficient na pagmamaneho.