
Ang Rimac Nevera R ay muling gumawa ng kasaysayan matapos mag-set ng 24 bagong world records, kabilang ang pagbawi sa 0–400–0 km/h title sa loob lang ng 25.79 segundo. Mas mabilis ito ng higit apat na segundo kumpara sa dating rekord ng original Nevera.
May dala itong 2,107 horsepower gamit ang quad-motor system, kaya nitong umabot ng 0–60 mph sa 1.66 segundo at tumakbo hanggang 431.45 km/h. Kabilang sa ibang bilis nito ay 0–100 km/h sa 1.72 segundo, 0–300 km/h sa 7.89 segundo, at quarter-mile time sa 7.90 segundo.
Kasama rin sa mga upgrade ng Nevera R ang mas mahusay na aerodynamics na may 15% dagdag downforce, bagong Michelin Cup 2 tires, at mas maayos na torque control. Nagpakita rin ito ng mas matinding preno at grip, kaya nitong mag-stop mula 0–100–0 km/h sa 3.32 segundo.

Limitado sa 40 units ang Nevera R at nagsisimula ang presyo sa €2.3M (₱170M+ PHP). Ayon kay CEO Mate Rimac, “Ang pagbasag ng record ay parte ng aming pagkatao—at hindi pa kami dito titigil.”
Target na ngayon ng Nevera R ang mga benchmark sa Nürburgring at Goodwood, kaya asahang makakakita pa tayo ng mas matitinding performance mula sa electric hypercar na ito.