Ang opisyal ng Rustan’s na si Paolo “Paowee” Tantoco ay pumanaw dahil sa paggamit ng cocaine, ayon sa ulat ng Los Angeles County Medical Examiner.
Base sa case detail page, nakasaad na ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay “cocaine effects” at ito ay tinukoy bilang isang aksidenteng insidente.
Bago bawian ng buhay, napag-alamang may probable atherosclerotic cardiovascular disease si Tantoco — isang kondisyon kung saan may bara sa mga ugat ng puso.
Ayon sa ulat ng Hollywood LA News, nasa Estados Unidos si Tantoco bilang bahagi ng entourage ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Manila International Film Festival mula Marso 4 hanggang 7.
Si Paolo Tantoco ay pumanaw noong Marso 9 sa edad na 44 at inilibing sa Pilipinas makalipas ang ilang araw.