
Ang Canadian singer na si Justin Bieber ay maglalabas ng kanyang ikalawang album mula 2021, matapos ang matagumpay na “Justice.” Ayon sa ulat ng Hollywood Reporter, ang bagong album ay ilalabas sa ilalim ng Def Jam Recordings, ang parehong label mula pa noong “Purpose” album niya noong 2015.
Nagsimula nang mapansin ng publiko ang posibilidad ng bagong album dahil sa mga billboard at ads sa Iceland at iba’t ibang bahagi ng United States. Makikita sa mga ito ang black-and-white na larawan ni Bieber at ang salitang "Swag," na tila siyang magiging pamagat ng album.
May ibang poster din na nagpapakita kina Bieber, Hailey, at kanilang anak na si Jack Blues, pati na rin ng 20-song tracklist. Ilan sa mga pamagat ng kanta ay “Swag,” “Daisies,” “Yukon,” “Butterflies,” “Soulful,” “Devotion,” at “Forgiveness.”
Inaasahang makakasama sa album sina Gunna, Sexyy Red, at Cash Cobain, mga artistang binanggit ni Bieber kamakailan sa social media. Tila abala si Bieber sa online collaborations at jam sessions abroad habang ginagawa ang proyektong ito.
Si Justin Bieber ay kilala sa mga hit tulad ng “Baby,” “Boyfriend,” “Sorry,” “Peaches,” at “Stay.” Ngayon ay handa na siyang muling bumalik sa spotlight sa pamamagitan ng kanyang bagong album na Swag.