Ang artistang Hapones na si Shohei Ochiai ay nakipag-collab sa Tamagotchi para sa isang espesyal na edisyon. Ito ay inspirado sa orihinal na 1996 model at may kasamang hand-drawn artwork mula kay Ochiai. Bukod sa device, pati ang packaging ay may design na galing mismo sa kanya.
Tamang-tama ang release ng gadget na ito sa panahon ng Gen Z bag charm trend. Ang Tamagotchi ay may ball chain kaya puwedeng isabit sa keychain, bag, o damit. Mayroon itong translucent shell na may Y2K aesthetic at UFO-themed blue design. May blue buttons at border din na bumagay sa kabuuang itsura.
Sa likod, makikita ang classic characters tulad nina Professor Banzo at Mikachu, kasama ang opisyal na Shohei Ochiai signature at serial number. Ang collab na ito ay pinaghalong sining, laro, at fashion, na nagpapakita ng makulay na mundo ni Ochiai at 90s nostalgia.
Noong nakaraan, nakipagtulungan din si Ochiai sa New Era kung saan ginamit niya ang tatak ng brand sa five caps at dalawang t-shirts, gamit ang 3D embroidery style. Tulad ng sa Tamagotchi, binigyang-buhay niya ang tema ng kabataang malikhain at di-perpektong ganda.
Magiging available ang device sa August 2025 at maaari nang mag-pre-order sa Beams web store. Kung ikaw ay fan ng Tamagotchi o collector ng unique art toys, sulit itong abangan.