Ang Solaire Resort, Newport World Resorts, at Manila Okada Hotel ay sabay-sabay na naglabas ng pahayag noong Hulyo 12 bilang tutol sa total ban sa online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kanila, ang kanilang mga online platforms ay sumusunod sa mga batas at regulasyon ng PAGCOR, at legal ang kanilang operasyon.
Giit ng tatlong kumpanya, ang online gambling ay extension lamang ng physical casino business nila. Sinisigurado raw nila ang responsableng paglalaro, hindi tinatanggap ang mga menor de edad, hindi bukas sa foreign players, at hindi sangkot sa anumang illegal na aktibidad.
Ayon pa sa pahayag, ang kanilang mga platform ay may:
Legal na lisensya mula sa PAGCOR
Geofencing at IP filtering para i-block ang users sa labas ng Pilipinas
KYC verification sa loob ng 72 oras mula sa registration
Anti-money laundering system at RNG-certified na game data
Pahintulot mula sa ASC at PAGCOR para sa lahat ng ads at promotions
May mga tools laban sa addiction gaya ng self-ban, limit reminders, at proteksyon sa kabataan na bawal sa mga below 18 years old.
Para sa seguridad, sumusunod sila sa Data Privacy Act of 2012. Gumagamit sila ng encryption, access control, at server isolation para protektahan ang personal na data ng users. Ang mga empleyado naman ay may gaming license at regular na sumasailalim sa compliance training.
Sa huli, sinabi ng tatlong kumpanya na ang total ban ay posibleng magbukas ng mas maraming black market operations. Maraming bansa ang pumipili ng regulasyon imbes na pagbabawal, dahil hindi nito talaga napipigilan ang illegal gambling.