Ang League of Social Democrats (LSD) sa Hong Kong ay nag-anunsyo na ito ay magsasara matapos ang limang taon ng matinding political pressure at security crackdown. Ito na ang ikatlong malaking grupong pro-democracy na nagsara sa nakalipas na dalawang taon, na nag-iiwan sa Hong Kong na walang formal opposition.
Itinatag noong 2006 ng dating lawmaker na si Leung Kwok-hung, kilala bilang “Long Hair”, ang LSD ay gumagamit ng radical street tactics para itulak ang full democracy at rumesbak sa Beijing. Noong 2020, ipinasa ang national security law na nagpaparusa sa subversion ng habambuhay na pagkakulong. Nasundan ito ng Article 23 noong 2024, na tinuturing na krimen ang sedition at treason.
Ayon kay Chan Po-ying, kasalukuyang chair ng grupo, wala na silang ibang opsyon kundi isara ito para sa kaligtasan ng mga miyembro. Sinabi niya, “Patuloy naming nakita ang pagkawala ng civil society, paghina ng boses ng masa, at matinding suppression of dissent.” Tatlo sa kanilang miyembro ay pinagmulta kamakailan matapos mag-set up ng booth na may itim na tela bilang simbolo ng protesta.
Ang founder nilang si Leung ay kasalukuyang nakakulong ng anim na taon at siyam na buwan dahil sa subversion case. Si Jimmy Sham, isa pang lider, ay nakulong din at kamakailan lang nakalaya. Ayon sa ulat, higit 300 katao na ang inaresto sa bisa ng bagong batas.
Sa kabila nito, hinimok ni Figo Chan ang mga taga-Hong Kong na huwag tumigil sa pagbibigay ng suporta sa mga mahihina at patuloy na manindigan laban sa mali.