
Ang BTS’ Jin ay magtatanghal ng kanyang unang solo tour, ang RUNSEOKJIN EP Tour, na magsisimula sa Goyang at tutuloy sa Japan, North America, at Europe. Kahapon, Hunyo 24, 2025, inanunsyo na ipapalabas nang live ang concert niya sa Osaka Kyocera Dome, Japan sa piling sinehan sa iba’t ibang bansa. Magaganap ang live screening sa Hulyo 12 bilang bahagi ng isang apat na araw na music festival sa mga sinehan mula Hulyo 10 hanggang 13.
Maaaring manood ang fans sa mga piling lugar tulad ng South Korea, Taiwan, Malaysia, Singapore, India, Indonesia, Japan, Thailand, Hong Kong, at dito sa Pilipinas. Simula Hunyo 26, 2025, puwedeng makabili ng tickets para sa live screening.
Kasabay nito, patuloy ang kasikatan ng kanyang bagong EP na pinamagatang Echo na inilabas noong Mayo 16. Ang kantang “Don’t Say You Love Me” ay umabot sa No. 9 sa Billboard Philippines Hot 100 noong Hunyo 7 at nasa No.