Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ay nagbabala laban sa ilegal na online gaming websites na gumagamit ng pekeng lisensya at logo nila.
Sinabi ni Pagcor Chairperson Alejandro Tengco na hindi awtorisado ang mga site na ito at posibleng makapanloko sa mga tao. Kabilang sa mga website na dapat iwasan ay ang efesbetcasino514.com, og7777.org, mpo500.com, kratosbet.com, mpossport.com, efsanebahis434.com, cazeus2.com, at marami pang iba.
Hinimok ng ahensya ang publiko na maging maingat at mapanuri sa pagpili ng online gaming platforms. Makabubuting tiyakin kung lehitimo ang lisensya ng mga ito bago maglaro o maglagay ng pera.
Pinaalalahanan din ang lahat na iwasan ang mga site na nag-aalok ng sugal kung wala itong malinaw na pahintulot mula sa Pagcor. Layunin ng babalang ito na protektahan ang publiko laban sa panlilinlang at posibleng pagkawala ng pera.