Ang KATSEYE, ang global pop girl group na binubuo nina Sophia, Megan, Manon, Lara, Daniela, at Yoonchae, ay naglabas ng bagong extended play na may pamagat na BEAUTIFUL CHAOS. May limang kanta ang EP na ito kung saan sumubok sila ng iba’t ibang tunog tulad ng hyperpop, Latin-pop, techno, at R&B. Dahil dito, mas lalo pang lumawak ang estilo ng grupo.
Kasama sa proyekto ang mga bagong collaborator gaya nina Pink Slip, Tim Randolph, hitman bang, Slow Rabbit, Andrew Watt, John Ryan, at si Charli XCX. Sila ang tumulong para magkaroon ng kakaibang tunog bawat kanta na siguradong tatatak sa mga tagapakinig.
Ang BEAUTIFUL CHAOS ay naglalaman ng mga chart-topping singles na “Gnarly” at “Gabriela.” Ang “Gnarly” ay umabot sa No. 23 sa Billboard Philippines Hot 100 sa loob ng pitong linggo. May mga music videos na inilabas kasama ng mga singles, at may visualizer rin para sa kantang “Gameboy” kasabay ng EP.
Pakinggan ang bagong EP ng KATSEYE at damhin ang magulong kagandahan ng kanilang musika.