Ang Suzuki Philippines ay nag-aalok ngayon ng LIBRENG safety riding seminar at test ride activity para sa lahat ng motorista. Maling paniniwala na kung marunong ka magbisikleta, kaya mo na agad magmotor. Delikado ito at posibleng magdulot ng aksidente.
Layunin ng programang ito na turuan ang mga rider ng tamang kaalaman sa ligtas na pagmamaneho. Bukas ito sa mga riding club, pribadong kompanya, LGUs, mga ahensya ng gobyerno, pati mga paaralan at kolehiyo.
Ayon sa Suzuki PH, ang seminar na ito ay para sa lahat, mula sa mga baguhan hanggang sa mga beteranong rider na gustong i-refresh ang kanilang kasanayan. Kasama rin dito ang LIBRENG test ride ng pinakabagong modelo ng Suzuki motorsiklo.
Hinihikayat ang mga rider na samantalahin ang mahalagang pagkakataong ito para mas maging kampante at responsable sa kalsada. Bukas ito sa sinuman, anuman ang karanasan.
Para magpa-schedule, maaaring makipag-ugnayan sa opisyal na social media ng Suzuki PH o direkta sa safety riding coaches na sina Noel Villapando at Sherwin Florendo. Sama-sama tayong magtaguyod ng ligtas at disiplinadong riding community.