
Ang Alfamart Philippines ay naglabas ng pahayag na maaaring silang magsampa ng kaso laban sa isang vlogger na pumasok at humiga sa loob ng kanilang store freezer. Ang insidente ay nakuhanan ng video at agad na kumalat sa social media.
Sinabi ng Alfamart na seryosong paglabag ito sa tamang paggamit ng kanilang kagamitan at maaari raw itong makaapekto sa kalinisan, kaligtasan, at reputasyon ng kanilang brand. Agad din nilang tinanggal ang mga ice products at nilinis ang freezer para matiyak ang kalinisan.
Ang babaeng nasa video ay kinilalang si Vivian Bravo Vinuya, na matapos ang kontrobersya ay binura ang orihinal na video sa kanyang social media. Ngunit marami nang nakapag-reupload kaya patuloy pa rin itong kumakalat online.
Makikita sa video na nagkunwaring kabaong ang freezer at humiga si Vinuya sa loob. Marami sa mga netizens ang hindi natuwa at tinawag ang ginawa niya na "walang respeto" at "delikado."
Matapos maglabas ng pahayag ang Alfamart, nag-post si Vinuya ng video na nasa loob ng kulungan ng hayop bilang pagbibiro. Ayon sa caption, "Sana mapatawad na po ako, ayan po kinulong ko na ang sarili ko."
2eqj09