Ang isang siklista ay nasawi matapos mabangga ng SUV sa Shaw Boulevard, Barangay Kapitolyo, Pasig nitong Martes. Ayon sa ulat, dumaan siya sa bike lane nang biglang bumukas ang pinto ng isang L300 van na ilegal na nakaparada.
Nabangga ang siklista matapos siyang mawalan ng balanse habang iniiwasan ang pinto ng van. Habang bumabagsak siya, dumaan ang isang SUV at hindi na ito nakaiwas.
Ayon kay S/Sgt. Benedict Lagarte, moderate speed ang takbo ng SUV pero tumama pa rin ito sa biktima.
Ipinahayag ni Mayor Vico Sotto na parehong driver ay kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.
Nasa kustodiya na ang mga sasakyan at sinusubukan ng Pasig City Hall na makontak ang pamilya ng biktima. Ipinangako rin ni Mayor Sotto na magiging mas mahigpit ang TPMO sa pagpapatupad ng batas trapiko.