Ang Manila Day ay mas masaya kapag may kasamang masarap na pagkain at mabubuting kaibigan. Sa Lucky Chinatown sa Binondo, hindi lang kasaysayan ang ipinagdiriwang—kasama na rin dito ang sarap ng bawat putahe na puno ng kultura at kwento.
Isa sa mga paboritong kainan dito ay ang Lucky Chao Dimsum House na may mga klasikong Chinese dish tulad ng Roasted Goose, Four-Colors Shrimp Hakaw, at Shark’s Fin Soup. Matapos kumain, subukan ang kanilang Fried Milk Rolls para sa matamis na panapos.
Gusto mo ba ng Taiwanese food? Punta sa Shi Lin para sa xiao long bao, braised beef noodles, at fried rice with shredded pork and egg. Simple pero punong-puno ng lasa.
Kung hanap mo ay kakaiba, subukan ang Bowl & Bowl. May mga rice bowl sila gaya ng Pork Chop Fried Rice at ang trending na Mentaiko Prawn Fried Rice—mga modernong twist sa paboritong lutuin.
Pampatanggal umay? Pasyal sa The Matcha Tokyo para sa mga matcha dessert tulad ng soft serve at Warabi Mochi. Sakto para sa malamig at banayad na panapos sa food trip mo.
Simula June 24 hanggang 29, may Manila Day Sale sa Lucky Chinatown kung saan may mga discount sa piling tindahan. Isa pa ‘tong dagdag sa saya ng pagdiriwang!