Ang OnePlus Pad 3 ang pinakabagong flagship tablet mula sa OnePlus, na may napakalakas na Snapdragon 8 Elite Mobile chipset. May kapal lang itong 6mm at may malaking 12,140 mAh battery na kayang tumagal ng 17 oras ng video playback at hanggang 70 araw na standby.
Mayroon itong 13.2-inch display na may 3.4K resolution at kakaibang 7:5 aspect ratio, perpekto para sa panonood at trabaho. Ang screen ay may 315 PPI pixel density at 12-bit color depth, kaya malinaw at makulay ang mga larawan at video. Available ito sa dalawang model: 12GB RAM + 256GB at 16GB RAM + 512GB, ideal para sa heavy multitasking at gaming.
Dinisenyo ang OnePlus Pad 3 para sa matagalang paggamit, may advanced cooling system na gawa sa graphene composite. Isa pa sa pinaka-nakaka-excite ay ang OnePlus Stylo 2, na kayang basahin ang 16,000 levels ng pressure, perfect para sa creatives. Meron din itong bagong keyboard na may dedicated AI button, at tri-folding folio case na nagbibigay ng iba’t ibang anggulo mula 20° hanggang 72° para sa viewing at drawing.
Ayon kay Celina Shi mula sa OnePlus, ang bagong tablet ay may mabilis na hardware, matingkad na display, at gaan para dalhin, at sinabing ang OnePlus Pad 3 ay “nagbibigay ng bagong standard sa Android tablets.”
Available na worldwide ang OnePlus Pad 3, at nagsisimula ang presyo nito sa ₱41,000 (approx.) o $699 USD.