Ang isang batang babae na tatlong taong gulang ay sugatan matapos itong madaganan ng pampasaherong Toktok sa Felix Huertas Street sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa ulat, papatawid sana ang bata nang biglang magpreno ang Toktok, dahilan para tumagilid ito at aksidenteng mabagsakan ang bata.
Tatlong pasahero ng Toktok ang nadamay rin sa insidente. Ayon sa kanila, mabilis umano ang takbo ng driver kaya nangyari ang aksidente.
Ang lahat ng nasugatan ay nasa ospital na at nagpapagaling. Nagkaroon ng pansamantalang kasunduan ang pamilya ng bata at ang driver ng Toktok habang iniimbestigahan ang nangyari.
Patuloy ang paalala sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga lugar na maraming bata at pedestrian.