Ang Air India flight 171 ay bumagsak sa isang residential area malapit sa paliparan sa Ahmedabad noong Hunyo 12, 2025. Isa sa mga biktima ay si Arjun Patoliya, isang Briton na bumisita sa India para isaboy ang abo ng kanyang namayapang asawa na si Bharti. Pabalik na sana siya sa kanilang mga anak na edad apat at walo nang mangyari ang trahedya.
Dalawang bata ang naulila dahil sa insidente. Ayon kay Anjana Patel, mayor ng Harrow sa London, “Ang ama ay nagtungo sa India para sa mga ritwal, at pabalik na sana. Naiwan niya ang dalawang batang babae na ngayon ay naulila.”
Aabot sa 279 katao ang nasawi sa pagbagsak ng Boeing 787-8 Dreamliner patungong Gatwick Airport, kabilang na ang mga pasahero, crew, at ilang nasa lupa. May 52 Britons sa bilang, at 20 sa kanila ay sinasabing dumadalo dati sa Siddhashram Shakti Centre sa Harrow.
Sa ginanap na multi-faith vigil, nanawagan si Patel ng suporta para sa mga naiwan. “Wala tayong sapat na salita para ilarawan ang sakit ng mga pamilya. Ang kaya lang natin ay ipagdasal sila.”
Tanging Vishwash Kumar Ramesh, 40 taong gulang na Briton, ang iniulat na nag-iisang nakaligtas sa crash.