Ang kilalang GOT7 member na si Jackson Wang ay naglabas ng panibagong kanta na pinamagatang “Hate To Love.” Isang emosyonal at synth-heavy na track, tumatalakay ito sa pag-ibig at pagtataksil, at nagpapakita ng mga damdaming pagkadismaya sa mga taong minsan niyang pinagkatiwalaan.
Sa isang post, ibinahagi ni Jackson ang kanyang saloobin:
“People say, ‘Surround yourself with ‘good’ people.’ But I believe it’s actually about the ‘right’ people.”
Ayon sa kanya, isinulat niya ang kantang ito matapos mapagtanto na minsan, ang sarili mo lang ang maaasahan.
Ang “Hate To Love” ay ika-apat na single mula sa paparating niyang album na MAGIC MAN 2. Nauna rito ang “BUCK” kasama si Diljit Dosanjh, pati na rin ang “High Alone” at “GBAD.” Sa bagong kantang ito, ibinahagi ni Jackson ang mas matatag at matured na bersyon ng sarili—bunga ng mga masasakit na karanasan.
Kung hanap mo ay isang kantang puno ng damdamin at tunay na kwento, siguradong tatama sa puso mo ang “Hate To Love.” Isa na naman itong patunay na hindi lang performer si Jackson, kundi isang artist na may lalim.