
Ang chart-topping singer-songwriter na si Earl Agustin ay handa nang pasayahin at paiyakin tayo sa kanyang debut album na pinamagatang Himig At Pag-Ibig. Ilalabas ito ngayong June 13, 2025 (Friday) sa ilalim ng Viva Records.
Makakasama sa album ang kanyang mga sikat na kanta mula 2023 hanggang 2025 tulad ng “Dalangin,” “Tibok,” “Aya,” at “Dito Sa’kin.” Sa kasalukuyan, ang mga kantang ito ay nasa loob ng Billboard Philippines Hot 100, kabilang ang “Tibok” na minsang nang no. 1 noong March 29, 2025.
Narito ang tracklist ng Himig At Pag-Ibig:
Intro
Tayong Dalawa
Dito Sa’kin
Basin Puhon
Aya
Dalangin
Minamahal
Tibok
Pag-Ibig ng Ikaw at Ako
Suntok Sa Buwan
Matatandaang sinabi ni Earl sa isang interview na hindi niya inasahan ang pag-akyat ng “Tibok” sa top spot. “Hindi ko talaga akalain. Para akong nananaginip,” ani niya. Para sa kanya, ito ay isang life-changing moment at sobra siyang nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta.
Bukod sa album, bahagi rin si Earl ng special EP na SWABE kung saan kinanta niya ang MYMP classic na “A Little Bit.” Inaasahan din siyang mag-perform sa concert ng Ang Mutya Ng Section E — ang sikat na web series na tumulong mag-viral sa “Tibok.” Kasama rin dito sina GAT, Amiel Sol, at Rob Deniel.