Ang Quezon City Public Library (QCPL) ay muling magbubukas ng libreng online na klase sa wikang Hapon bilang bahagi ng programang nagtutulak ng cross-cultural understanding.
Sasaklawin ng klase ang mga mahahalagang grammar rules, vocabulary, pang-araw-araw na expressions, pati na ang Hiragana at Katakana writing systems. Bukod dito, tatalakayin din ang kultura, customs, at etiquette ng mga Hapon upang mas maunawaan ang kanilang paraan ng pamumuhay.
Bukas ito sa lahat ng Pilipinong 18 taong gulang pataas na may maayos na internet at gadget na maaaring gamitin sa Zoom. Para makasali, magparehistro lamang sa QCPL Facebook page. Limitado ang slots sa 500 participants, kaya agapan ang pag-sign up.
Ang susunod na batch ay magsisimula sa June 19. Kapag nakapagparehistro na, kailangang kumpirmahin ang attendance sa loob ng 24 oras. Kung hindi, ibibigay ang slot sa mga naka-waitlist.
Sa ngayon, umabot na sa 3,642 ang mga graduates mula sa programang ito, at ang huling batch ay nagkaroon ng 172 successful students. Isinasagawa ito sa pakikipagtulungan ng Jellyfish Education Philippines Inc.