Ang tatlong magkakapatid na babae—Olivia (5), Evelyn (8), at Paitlyn (9)—ay natagpuang patay noong Hunyo 2 sa Rock Island Campground, Chelan County, Washington. Nawawala sila mula pa noong Mayo 30 matapos ang planadong pagdalaw sa kanilang ama na si Travis Decker.
Base sa paunang ulat mula sa Chelan County Superior Court, ang posibleng dahilan ng kanilang pagkamatay ay asphyxiation o kawalan ng hangin. Si Decker, isang dating sundalo, ay nawawala rin ngayon at pinaghihinalaang may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang mga anak.
Nakita ang kotse ni Decker malapit sa campsite. May laman itong mga gamit gaya ng kumot, pagkain, car seat, at wallet sa gitna ng sasakyan. Ayon sa ulat, may dugong bakas ng kamay sa sasakyan. Sa paligid ng camp ay nakita rin ang tent at cooler, palatandaan na may aktibidad kamakailan.
Na-trace ang kanyang cellphone na bumalik sa lugar isang araw bago ang insidente. Nang tawagan siya ng mga otoridad para sa pagbabalik ng mga bata, diretso umano sa voicemail ang tawag. Mula noon ay hindi na siya ma-contact.
Ayon sa Wenatchee Police Department, si Decker ay nahaharap sa tatlong kaso ng first-degree murder, isang kaso ng kidnapping, at custodial interference. Pinaniniwalaang delikado siyang lapitan. Sinabi rin ng ex-wife ni Decker na posibleng may suliranin sa kanyang mental health at dati na raw itong may borderline personality disorder ngunit hindi umiinom ng gamot.