Ang tanging Triumph Bonneville Bobber Icon-edition sa buong Pilipinas ay ipinakita sa Makina Moto Expo 2025 sa Maynila. Isa itong premium na motorsiklo na talaga namang agaw-pansin sa ganda at lakas.
May 1,200cc engine ang Bobber Icon-edition na may six-speed transmission at wet torque assist clutch. Kayang umabot sa 76 horsepower at may 106 Nm na torque, kaya asahan mo ang malakas na performance sa bawat apak.