Ang 19-anyos na modelong at influencer na si Tijana Radonjic ay nasawi matapos mahulog habang nagparasailing sa Budva, Montenegro. Mula sa taas na 50 metro, nahulog siya sa Adriatic Sea habang nagsi-shoot ng promotional video para sa isang lokal na tourist agency.
Ayon sa mga saksi, masaya at relaxed si Tijana bago ang biyahe, ngunit sa kalagitnaan ng parasailing, nagpakita siya ng pagkabalisa. Narinig ang kanyang mga sigaw na “Put me down! Put me down!” at “Help me,” bago siya nahulog. May mga haka-haka na nagkaroon siya ng panic attack, ngunit hindi inisip ng mga mahal niya sa buhay na ito ay suicide.
Nagpahayag si Mirko Krdzic, may-ari ng parasailing company, na labis silang nagulat sa nangyari. Sinabi niyang matagal na siyang nasa trabaho at ligtas ang lahat ng biyahe niya noon. Patuloy ang imbestigasyon at inaantay ang resulta ng technical inspection ng gamit at autopsy.
Sa kabila ng trahedya, pinaniniwalaang wala siyang takot sa heights o flying bago ang insidente, at tila masaya pa siyang kumaway sa kanyang mga kaibigan sa beach.