Ang isang babaeng turista, si Mary Crist Domingo Soreño, 45 taong gulang mula Binangonan, Rizal, ay nalunod matapos tumumba ang sinasakyan niyang banana boat sa Dinahican, Infanta, Quezon ng hapon.
Ayon sa ulat ng pulisya, umarkila ng banana boat si Soreño at ang kanyang grupo para sa kanilang bakasyon sa Berna’s Beach Resort. Sa gitna ng dagat, biglang dumating ang malalakas na alon na nagdulot ng pagtaob ng kanilang sasakyan.
Bagamat may suot na life vest ang biktima, hindi pa rin siya nakaligtas. Tatlong crew members agad na nagtangkang tumulong, pero tuluyang lumubog si Mary Crist at idineklara nang patay sa ospital. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang mga detalye at pananagutan sa insidente.