Ang vivo Y29 ay isang affordable smartphone na perfect sa mga casual gamers na gusto ng nonstop laro at entertainment. Sa presyong pasok sa budget, may 6500mAh battery ito na kayang tumagal nang mahigit 10 oras sa tuloy-tuloy na paglaro ng PUBG, ayon sa vivo test.
Hindi mo na rin kailangang maghintay ng matagal! Dahil sa 44W FlashCharge, kaya nitong umabot ng 50% charge sa 41 minutes lang. Mas konting antay, mas maraming laro! At kahit araw-araw mo pa gamitin, ang battery ay kayang magtagal hanggang 5 taon at may 80% capacity pa rin.
Para sa mas immersive gameplay, may dual stereo speakers ito na may 400% loudness boost. Maririnig mo agad kung may kalaban sa paligid, perfect para sa mga action games! May IP64 water at dust resistance, kaya kahit saan, pwede pa rin ang laro.
Bukod diyan, meron din itong 120Hz smooth display, malaking storage (up to 256GB) na pwedeng i-expand pa hanggang 2TB, at 8GB RAM para sa smooth na multitasking. Mapipili sa Marble White at Espresso Brown, may presyo itong P8,999 to P10,999 lang.
Available na sa vivo stores nationwide at sa official vivo e-store. Sulit na smartphone na pangmatagalan para sa mga chill na gamers!