Ang Cebu City Department of Veterinary Medicine and Fisheries ay nagsisiyasat ngayon sa pagkamatay ng 23 aso at pusa na sakay ng isang RoRo ship na dumating sa lungsod. Ayon sa lumabas na video sa social media, nakulong ang mga hayop sa mga kulungan habang sakay ng barko.
Sinabi ni Dr. Alice Utlang, head ng DVMF, na maaaring sanhi ng heat stroke ang pagkamatay ng mga hayop dahil sa init sa loob ng enclosed na sasakyan. Mag-uusap ang kanilang animal welfare officer sa shipping line para malaman ang buong detalye.
Posibleng kasuhan ang mga taong responsable dahil sa paglabag sa Animal Welfare Act na nagsasabing dapat ang pagdala ng hayop ay dapat sa rehistradong sasakyan at tamang paraan lamang.