
Ang trahedya ay naganap sa Bryansk, isang rehiyon sa Russia na malapit sa hangganan ng Ukraine. Bumigay ang isang tulay at bumagsak sa riles ng tren, dahilan para lumihis at madiskaril ang isang paparating na tren.
Ayon kay Alexander Bogomaz, gobernador ng Bryansk, 44 ang naospital, kabilang na ang 3 bata, kung saan isa ay nasa seryosong kondisyon. Isa sa mga nasawi ay ang mismong driver ng tren, batay sa ulat ng mga state news agencies ng Russia.
Ayon sa Ministry of Emergency Situations, agad silang nagpadala ng 180 rescue personnel para tumulong sa lugar. Patuloy ang operasyon sa pagligtas at pag-aalaga sa mga sugatan.
Matatandaang may kasaysayan ng tensyon sa rehiyon, lalo na matapos ang pagsakop ng Russia sa Crimea noong 2014, na sinundan ng paglusob sa Ukraine noong 2022. Sa kabila ng patuloy na giyera, nananatiling pokus ngayon ang kaligtasan ng mga biktima ng insidente.