
Ang online world, mabilis talaga makapansin. Nitong Hunyo 1, 2025, napansin ng ilang netizens na hindi na naka-follow si Heaven Peralejo sa rumored boyfriend at ka-love team niyang si Marco Gallo sa Instagram. Agad itong umikot sa social media at comment sections, lalo na sa mga sikat na entertainment pages.
Ang IG activity na ito ay naging usap-usapan, lalo na’t matagal nang kinikilig ang fans sa tambalan nila sa ‘The Rain in España’ at sa real-life chemistry nila. Kaya naman, kahit simpleng IG unfollow lang, naging malaking issue para sa mga supporters.
Pero nang tingnan muli ang Instagram ni Heaven bandang 4:06 ng hapon, nakita na ulit siyang naka-follow kay Marco. Ibig sabihin, kung nagkaroon man ng glitch o pansamantalang unfollow, naibalik din agad at walang official na pahayag mula sa dalawa tungkol dito.
Samantala, consistent naman ang follow ni Marco kay Heaven. Kaya sa ngayon, mukhang walang dapat ipag-alala ang mga fans. Love team strong pa rin.