
Ang beteranong aktor na si Choi Jung Woo ay pumanaw na sa edad na 68, ayon sa opisyal na pahayag ng kanyang ahensya, Bless Entertainment, nitong Martes, Mayo 27.
Ang burol ay gaganapin sa Gimpo Woori Hospital Funeral Home, at ang libing ay nakatakda sa Mayo 29. Ihahatid siya sa kanyang huling hantungan sa Suwon Yeonhwa Cemetery.
Si Choi ay ipinanganak noong 1957 at unang nakilala sa larangan ng teatro sa dulang "The Life of an Actor" noong 1975. Isa rin siyang voice actor na nagtrabaho sa mga kumpanya tulad ng Shinsi at Tongyang Broadcasting Company.
Pagsapit ng 2000s, lumipat siya sa paggawa ng pelikula at drama sa telebisyon. Kabilang sa kanyang mga sikat na pelikula ay Two Cops, Sympathy for Lady Vengeance, The Chaser, at The Witch. Lumabas din siya sa mga drama tulad ng The Painter of the Wind, Prosecutor Princess, at My Daughter Seo-young.
Ang ilan sa kanyang mga huling proyekto ay ang Who Is She ng KBS2, The Tale of Lady Ok, at A Place in the Sun. Ginampanan din niya ang mga supporting role sa mga hit na K-drama gaya ng City Hunter, Doctor Stranger, at The Legend of the Blue Sea.