
Ang isang lalaki ay nasawi matapos siyang mabagsakan ng poste sa labas ng isang mall sa Cadiz City, Negros Occidental nitong Martes ng hapon.
Ayon sa imbestigasyon, rider ang biktima at papunta lamang sana sa mall upang sunduin ang kanyang misis.
Habang nasa labas siya ng gusali, biglang bumigay ang poste at diretsong bumagsak sa kanya. Wala na itong buhay nang madala sa ospital.
Hindi pa malinaw kung anong dahilan ng pagkabagsak ng poste, ngunit nagpaabot ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan sa pamilya ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy kung may pagkukulang sa maintenance ng lugar.