
Ang anak ni Anson Que na si Alvin Que ay nagsumite ng kanyang sworn affidavit sa Department of Justice kaugnay sa kidnap-slay na nangyari sa kanyang ama noong Marso. Kasama niya ang kanyang abogado na si Perlito Campanilla sa preliminary investigation.
Ayon kay Campanilla, buo ang pakikipagtulungan nila sa mga awtoridad at tiniyak na wala si Alvin sa ginawang krimen. Binanggit niya na ang pakikipagnegosasyon sa ransom at paghingi ng proof of life ay patunay na hindi siya sangkot.
Dumalo rin sa imbestigasyon si Kelly Tan o Gong Wen Li, isang Chinese national na pinaniniwalaang co-mastermind, na naaresto kamakailan sa Boracay kasama ang isa pang suspek.
Bagama't nagdulot ito ng matinding sakit, naniniwala si Campanilla na makakamit ang hustisya para sa pamilya Que.