
Ang sikat na children's show na Sesame Street ay mapapanood na sa Netflix ngayong taon. Kasama dito ang bagong Season 56 at higit sa 90 oras ng mga nakaraang episodes na siguradong magugustuhan ng mga bata at pamilya.
Sa bagong season, muling babalik ang mga paboritong segment tulad ng Elmo’s World at Cookie Monster’s Foodie Truck. Makikita rin ang mga bagong kuwento tulad ng Cookie Monster na magbubukas ng sariling Cookie Cart, at ang mahiwagang mundo ni Abby’s Fairy Garden.
Bawat episode ay mayroong isang 11-minutong kwento para mas tumutok sa humor at puso ng mga karakter. Kasabay nito, si Sal Perez at Kay Wilson Stallings ang mga executive producers ng palabas.
Nitong 2024, hindi na nire-renew ng Warner Bros. Discovery ang kanilang kontrata para sa bagong episodes para mag-focus sa adult at family content. Ngunit hanggang 2027, makikita pa rin sa Max ang mga lumang episodes ng Sesame Street.