Sampung Chinese nationals ang nahuli sa Bataan dahil sa pagpapatakbo ng scam hub sa ilang bahay sa residential area. Sinalakay ng NBI ang tatlong bahay na pinaniniwalaang sentro ng online scam.
Sa loob ng mga bahay, nakakita ang NBI ng maraming computer, electronic gadgets, at satellite internet system na ginagamit sa ilegal na operasyon. Ayon kay NBI Assistant Director Noel Bocaling, dating miyembro ang mga suspek ng mas malaking grupo ng POGO.
Kasalukuyang nakapiit ang sampung Chinese sa kustodiya ng NBI at nahaharap sa kaso sa ilalim ng Anti-Financial Account Scamming Act. Patuloy ang imbestigasyon upang mahanap pa ang iba pang posibleng scam hub sa Bataan.