Ang isang lalaki na naglalakad na naka-helmet sa Antipolo City ay nahuli ng pulisya noong madaling araw ng Linggo, May 18, 2025. Dahil kahina-hinala ang kilos niya, tinanong siya ng mga pulis, ngunit bigla siyang tumakbo at itinapon ang dala niyang belt bag.
Narekober sa bag ang mahigit isang daang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P600,000, pati na rin ang isang digital weighing scale. Ayon sa pulisya, miyembro umano siya ng isang grupo na sangkot sa ilegal na droga at iniutos ang ilang pamamaril sa lugar.
Aminado ang lalaki na tumanggap siya ng droga mula sa isang taong hindi niya kilala, at nagpapanggap lamang siyang tumulong dahil sa hirap ng buhay. Itinanggi niya ang anumang pagkakasangkot sa mga insidente ng pamamaril sa Antipolo.