
Ang ASICS ay nakapagtala ng 18.7% na paglago sa kita sa unang quarter ng 2025, na may malalaking pag-angat sa mga kategoryang Tennis, Indoor, Padel, at SportStyle. Tumaas din ng 17.6% ang kita sa wholesale channels, partikular na sa North West Europe (28.7%), North East Europe (18.6%), at France (15.5%).
Umangat ng 47.7% ang SportStyle, habang 34.5% naman ang tinaas ng Apparel. Malalakas din ang naging performance ng Performance Running, Tennis, at Indoor Sports, na patuloy na tumutulong sa paglago ng ASICS sa merkado.
Ang ASICS ay nananatiling nangungunang tatak sa premium performance running market sa Europe, at patuloy na lumalakas ang presensya nito sa mga larong Tennis, Indoor, Padel, at SportStyle.
Ayon kay Carsten Unbehaun, CEO ng ASICS EMEA, “Napakalakas ng performance natin sa Europe. Patuloy tayong nakakatanggap ng positibong feedback mula sa mga atleta, eksperto, at consumer.”
Dahil sa magandang simula ng 2025, tila handang-handa ang ASICS para sa isang matagumpay na taon. Patuloy itong lumalago at tumitibay ang presensya sa mga pangunahing sports categories.