Huwebes, Hunyo 19, 2025
GR GLAMRITZ
  • Home
  • Game
  • HEADLINES
    • CRIME & ACCIDENT
    • TREND
    • SHOWBIZ
    • WORLD
    • POLITICS
    • NATION
  • MOVIE/SERIES
  • Fortune
  • Emotion
  • Toy / Animation
  • Lifestyle
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC & EVENTS
    • TECH
    • 3C
    • FASHION & FOOTWEAR
    • Food and Leisure
  • iGaming
    • LottoLottery
    • SlotGames
  • EN
  • TL
  • Home
  • Game
  • HEADLINES
    • CRIME & ACCIDENT
    • TREND
    • SHOWBIZ
    • WORLD
    • POLITICS
    • NATION
  • MOVIE/SERIES
  • Fortune
  • Emotion
  • Toy / Animation
  • Lifestyle
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC & EVENTS
    • TECH
    • 3C
    • FASHION & FOOTWEAR
    • Food and Leisure
  • iGaming
    • LottoLottery
    • SlotGames
  • EN
  • TL
No Result
View All Result
GR GLAMRITZ
No Result
View All Result

Ang Kanto Cafe ng Pinay, Isa sa Best Bakeries sa UK

7
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ang Kanto Cafe & Bakery, isang Filipino-owned na panaderya sa Cambridge, ay kinilala bilang isa sa Britain’s Best Bakeries para sa 2025, ayon sa Good Food Guide.
Itinatag ito nina Theresa Pascual, isang 29-anyos na Pinay, at ng kanyang asawang Koreano na si Seungnim Kang. Nagsimula ito bilang simpleng libangan noong pandemya, nang subukan ni Theresa na mag-bake para aliwin ang pamilya.

“Miss na miss ng pamilya ko ang mga pagkaing Pinoy, kaya naisip kong gumawa ng ensaymada,” kwento ni Theresa. Kalaunan, gumawa na rin siya ng pandesal, at binahagi ito sa mga kaibigan at kamag-anak. Dating web developer si Theresa at walang background sa baking, pero dahil sa dedikasyon at suporta ng pamilya, naging negosyo ito. Noong Disyembre 2023, binuksan nila ang Kanto Cafe & Bakery.

Pinili nilang pangalanan itong Kanto dahil sa madalas nating tanong na “Saan mo nabili 'yan?” – sagot: “Sa kanto lang!” Gusto nilang dalhin ang pamilyar na init at sarap ng kanto sa bawat kagat. Ngayon, may mga produkto na silang halo ng Filipino at Korean flavors gaya ng ube pandesal, garlic cheese bread, at calamansi cinnamon buns, ang kanilang best-seller.

Noong una, mabagal ang simula dahil medyo malayo sa city center ang cafe. Pero dahil sa word of mouth, dumami rin ang suki, lalo na nang mapasama sila sa Good Food Guide. “Nakakatuwang makita na tinatangkilik nila ang mga produkto namin,” ani Theresa.

Pangarap nila ngayon ang mas malaking lugar para makalikha pa ng bagong pastries – tulad ng French-style na may Filipino twist. At para sa mga kababayan nating nangangarap magnegosyo sa abroad, payo ni Theresa: “Kung handa ka sa hirap at may magandang idea ka, tuloy mo lang. Bukas ang mga tao sa bagong bagay—darating din ang tagumpay.”

View this post on Instagram

A post shared by Enjoying Cambridge (@enjoying_cambridge)

Tags: FOOD
ShareTweetShare
Previous Post

Magnitude 5.2 Lindol Yumanig sa Davao del Norte

Next Post

Mountaineer PJ Santiago, pinsan ni Emil Sumangil, pumanaw

Next Post
Mountaineer PJ Santiago, pinsan ni Emil Sumangil, pumanaw

Mountaineer PJ Santiago, pinsan ni Emil Sumangil, pumanaw

Ang 7’1 Chinese Star na si Yang Hansen, Bilib sa NBA Draft

Ang 7’1 Chinese Star na si Yang Hansen, Bilib sa NBA Draft

Ang 12 Bagong Senador sa 2025, Opisyal nang Naiproklama

Ang 12 Bagong Senador sa 2025, Opisyal nang Naiproklama

AFFAIR WITH MY 3RD COUSIN

AFFAIR WITH MY 3RD COUSIN

Blogger Nahuli ang POGO Scam sa Barangay Apas, Cebu City!

Blogger Nahuli ang POGO Scam sa Barangay Apas, Cebu City!

  • Advertise
  • Privacy & Policy

Copyright © 2018 GR-888 Solutions Inc.

Free website traffic

No Result
View All Result
  • HOME
  • GAME NEWS
  • MOVIES
  • FORTUNE
  • EMOTION
  • Toy / Animation
  • 3C
  • LIFESTYLE
    • Headline News
    • AUTOS
    • MOTO
    • MUSIC
    • TECH
  • CASINO REVIEWS
    • CASINO REVIEWS
    • SlotGames
    • LottoLottery

Copyright © 2018 GR-888 Solutions Inc.

Free website traffic