Ang sikat na aktor na si Lee Do Hyun ay opisyal nang natapos ang kanyang mandatory military service. Na-discharge siya mula sa Korean Air Force nitong Martes, May 14, 2025.
Si Lee Do Hyun, na kilala sa mga palabas na "The Glory" at "Sweet Home", ay nagsimulang mag-serbisyo noong August 14, 2023. Tumagal siya sa militar ng 21 buwan.
Sa kanyang Instagram post, sinabi niya, “Masaya ako na naibigay ko ang lahat sa serbisyo. Salamat sa mga fans at sa mga kasama ko sa Air Force Band. Bitbit ko ang masayang alaala at magaan na puso.”
Matagal nang hinihintay ng kanyang mga fans ang pagbabalik niya sa spotlight. Bukod sa "The Glory," gumanap din siya sa “Prison Playbook” at “Death’s Game.”
Sa pelikula namang "Exhuma", na tinanghal bilang highest-grossing film ng 2024, kumita ito ng $93.9 million at kabilang sa mga pinaka-matagumpay na pelikula sa Korea.