
Ang dalawang Chinese nationals ay naaresto sa Barangay Sabang, Baliuag, Bulacan noong Mayo 7, matapos silang maaktuhan na nagkakabit ng spy equipment, ayon sa ulat ng PNP-CIDG.
Kinilala ang mga banyaga bilang sina "Feng" at "Shi" na hinuli sa isang entrapment operation na isinagawa ng CIDG Bulacan at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Nasamsam mula sa kanila ang mga gamit tulad ng IMEI catcher motherboard, antenna, internet router, metal box battery, at dalawang inverters.
Ayon sa CIDG, kaya ng mga nakuhang device na manghimasok, magtago, at gumamit ng impormasyon mula sa mga cellphone at iba pang communication tools.
Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa CIDG Bulacan at sila ay kakasuhan ng misuse of devices at paglabag sa Cybercrime Prevention Act.