Ang isang kotse ay bigla na lamang lumiyab habang bumibiyahe sa national highway sa Barangay Malatgao, Narra, Palawan bandang alas-otso ng gabi noong Mayo 4, 2025. Ayon kay FO3 Precila D. Estuye, Chief Public Information Officer ng Bureau of Fire Protection (BFP) Narra Station, dalawang lalaki ang sakay ng sasakyan, kabilang ang driver na taga- Malatgao, Narra.
Kwento ng driver, habang binabaybay nila ang highway, huminto bigla ang makina ng sasakyan. Nang subukan nilang paandarin ulit, bigla itong umapoy. Agad nilang inabot ang labas ng sasakyan at tumawag ng tulong sa BFP.
Masuwerteng wala namang nasaktan sa insidente, at agad na rumesponde ang mga tauhan ng BFP upang apulahin ang apoy.