Ang lalaki na si Maximo Robin ay nasawi sa parehong araw na bumili siya ng bagong motorsiklo. Habang ginagamit niya ito, bigla siyang sumalpok sa poste ng kuryente sa San Ildefonzo, Ilocos Sur.
Nagkaroon siya ng matinding sugat sa ulo at katawan dahil sa lakas ng banggaan. Ayon sa pulisya, posibleng hindi pa niya kabisado ang motorsiklo at nakainom rin siya ng alak kaya nangyari ang aksidente.
Naulila ng biktima ang kanyang anak. Sobrang lungkot ang nadama ng pamilya sa biglaang pangyayari.
Paalala ng mga pulis na mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na ngayon at dumarami ang aksidente tuwing Kapaskuhan.