
Ang Pinay trans woman na si Keylyn Trajano ay kinoronahan bilang Universal Woman Arabia 2025. Ibinahagi ito sa social media ng national director ng pageant na si Rev Reyes, kasama ang official photo ni Keylyn suot ang kanyang bagong korona.
Nag-post din si Trajano ng mga video kung saan makikita ang kanyang crowning moment. Ang korona ay ipinasa sa kanya ng dating titleholder na si Maria Gigante, isa ring Pinay.
Noong nakaraang taon, naging usap-usapan si Keylyn Trajano nang ipakilala siya bilang kandidata ng Miss Universe Philippines Pampanga 2025. Dapat sana siya ang magiging unang trans woman na sasali sa national pageant, pero kalaunan ay umatras siya sa kompetisyon.
Ang pagkapanalo niya ngayon ay isang milestone para sa LGBTQ+ community at isang proud moment para sa mga Pilipino sa international pageants.