Ang dating senador at independent candidate na si Panfilo "Ping" Lacson ay gustong isulong ang batas para sa murang tuition at training ng mga Filipino marino. Sa Konsultahang Bayan sa Cebu City, sinabi niyang sobrang mahal na ngayon ng gastos sa edukasyon ng mga marino kahit na malaki ang naitutulong nila sa ekonomiya.
Noong 2024, umabot sa $6.94 billion (₱390B) ang naipadala ng mga marino sa Pilipinas. Ayon kay Lacson, "Malaki ang tulong nila sa bansa, kaya dapat natin silang tulungan." Dagdag pa niya, ang mga magulang ng marino ay nahihirapan nang bayaran ang training fees kaya kailangan ng aksyon.
Plano ni Lacson na maghain ng batas na magpapagaan ng gastos sa mga gustong maging marino. Aniya, kung makabalik siya sa Senado, uunahin niyang itulak ang panukalang ito para mas maraming kabataan ang makapag-training at makapagtrabaho abroad bilang seafarers.