Ang isang 20-anyos na lalaki, isang delivery rider, ay biglang nawalan ng malay at namatay habang nakapila para sa ayuda sa Marikina Sports Center nitong Lunes.
Ayon kay Capt. Julius Criste ng Marikina police, nasa pila ang lalaki para sa financial assistance nang siya ay bumagsak at mawalan ng malay. Agad siyang dinala sa ospital pero dead on arrival na siya pagdating bandang 5 p.m.
Base sa paunang findings, wala na siyang pulso at dilat na ang mata nang dalhin sa ospital. Wala namang naganap na stampede at hindi rin siksikan ang venue sa oras ng insidente.
Sinabi rin ng pulisya na hindi na itutuloy ng pamilya ang imbestigasyon dahil naniniwala silang natural cause ang dahilan ng pagkamatay.