Funko naglabas ng bagong Pop! collection bilang celebration sa paparating na Superman movie ni James Gunn ngayong July. Kasama sa set si Superman (na may regular, jumbo, at keychain version), ang aso niyang si Krypto, si Lois Lane, at ang kontrabidang si Lex Luthor.
Ang regular na Superman Pop! ay naka-flying pose na front-facing. Sa Jumbo version, medyo angled ang look niya at may naka-extend na fist. Sa keychain, pa-flying din siya pero relaxed ang arms. Lahat ng version suot niya ang signature Superman suit—walang Clark Kent look dito.
Si Krypto ay naka-flying din with paws out. Si Lex Luthor naman ay naka-formal attire—purple suit, black shoes, at may hawak na Luthorcorp cup. Si Lois Lane ay captured mid-step na may media badge, gold watch, at matching brown belt at shoes.
Makukuha na ang bagong Superman Funko Pop! collection sa Funko webstore. Ang regular-sized figures ay $11.99 USD, ang jumbo Superman ay $39.99 USD, at ang keychain ay $4.99 USD.
Perfect ito para sa mga collectors at fans ng DC at excited sa bagong Superman movie. Grab mo na bago maubos!