Viral ngayon ang post ng isang estudyante na nakatira sa Anonas, Quezon City matapos ibahagi ang karanasan niya nang siya ay maholdap ng "riding-in-tandem." Ayon kay Thomas Jayson, habang naglalakad siya pauwi mula sa Katipunan Station, minabuti niyang maglakad upang makatipid sa pamasahe. Nang malapit na siya sa kaniyang bahay, bigla na lang lumitaw ang dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at tinutukan siya ng baril. Kinuha nila ang kanyang bag at cellphone.
Para hindi siya makapagsigaw, sinikmuraan siya ng isa sa mga lalaki. Nang tumakas siya, hinampas siya ng baril sa ulo at nahulog. Dahil dito, nasira ang kanyang salamin kaya’t hindi niya nakuha ang plate number ng motorsiklo. "Naglakad lang ako para makatipid, pero nagging bangungot," sabi ni Thomas.
Habang siya ay tumatakbo pauwi at humihingi ng tulong, nawala na ang motorsiklo at ang puting van na nakaparada sa kanto. Huwag daw kalimutan na maging maingat at huwag ipilit maglakad sa gabi lalo na kung may mga ganitong panganib.
Para kay Thomas, isang mahalagang aral ang nakuha niya sa karanasang ito. "Huwag magtangkang lumaban kung alam mong may armas sila. Huwag pagtipiran ang pamasahe, mas mainam pa ring mag-commute kaysa maglakad."