
Ang THACO Sleeper Bus ay opisyal nang bumibiyahe sa rutang Manila–Bicol, matapos i-turn over ng BJ Mercantile, Inc. (BJM) ang kauna-unahang dalawang unit sa Cagsawa Travel and Tours, Inc. Isa itong malaking hakbang sa mas komportable, moderno, at de-kalidad na pampasaherong biyahe sa Pilipinas.
Dinisenyo, ginawa, at in-assemble ng Thaco Auto sa pinakamalaki at pinaka-modernong bus plant sa Southeast Asia, ang Thaco Mobihome ay bagong henerasyon ng luxury sleeper buses na nakatuon sa mas mataas na antas ng passenger experience.






