Ang ASUS ROG Xreal R1 ay bagong gaming glasses na may 240Hz Micro-OLED FHD display. Kayang mag-project ng hanggang 171-inch virtual screen sa 4 meters, na nagbibigay ng immersive gaming experience.
Compatible ang R1 sa ROG Ally, PC, at mga consoles tulad ng Nintendo Switch, PlayStation 5, at Xbox Series X gamit ang ROG Control Dock. Isa lang ang kailangan: isang USB-C connection para sa seamless na setup.
Built ito sa dual Micro-OLED displays na may 1080p resolution per eye at 120Hz refresh rate. May peak brightness na 600 nits para malinaw ang screen kahit sa maliwanag na paligid.
Kasama rin ang ROG gaming enhancements, tulad ng low-latency input at TUV Rheinland-certified eye comfort technology, na nakakatulong bawasan ang blue light at flicker sa matagal na laro. May Ultra-linear speakers din para sa immersive spatial audio.
Ang ROG Xreal R1 ay nakatakdang lumabas sa global market sa mga susunod na buwan, ngunit ang opisyal na presyo ay hindi pa naibinunyag.






