Ang Toyota at ang Gazoo Racing division nito ay nagpakilala ng bagong sports car, ang GR GT, kasama ang racing version na GR GT3. Pareho itong ginawa upang magbigay ng ultimate driving experience gamit ang tatlong mahalagang aspeto: mababang center of gravity, magaan pero matibay na katawan, at mahusay na aerodynamics.
Ang GR GT ay itinuturing na flagship ng Toyota bilang road-legal race car, samantalang ang GR GT3 ay race car base sa GR GT para sa mga gustong manalo sa karera. Pareho itong may 4-litro, V8 twin-turbo engine at all-aluminum body frame, kasama ang hybrid system para sa GR GT na may maximum 650 horsepower at 850 Nm torque.
Sa disenyo, binigyang-diin ang driver-first approach. Ipinosisyon ang mga mabibigat na bahagi tulad ng makina at transaxle para sa mababang center of gravity, habang ang interior ay ginawa upang masiguro ang komportableng pagmamaneho kahit sa matinding kondisyon. Ang GR GT ay may sukat na 4,820 mm ang haba, 2,000 mm ang lapad, at 1,195 mm ang taas.
Ang GR GT3 ay sumusunod din sa parehong prinsipyo ng low center of gravity, lightweight with rigidity, at aerodynamic performance. Ito ay FIA GT3-spec race car na madaling patakbuhin para sa parehong professional at amateur drivers.
Sa kabuuan, parehong GR GT at GR GT3 ay resulta ng advanced technologies at bagong development methods, kasama ang simulator-assisted R&D at real-world testing sa mga race tracks sa Japan at Europa. Target ng Toyota na ilunsad ang mga modelong ito sa 2027, at patuloy ang development upang matiyak ang performance at saya sa pagmamaneho.








