
Ang isang teenager sa Brazil ay patay matapos lapain ng lioness sa harap ng mga bisita sa Arruda Camara Zoobotanical Park noong Linggo.
Nakakulong umano sa pag-iisip si Gerson de Melo Machado, 19, kaya inakyat niya ang 6-metong pader at safety fence para makita ang leon. May video pa na kuha sa insidente.
Ayon sa awtoridad, namatay si Machado dahil sa bleeding sa leeg matapos lapain ng leon na si Leona. Sarado muna ang zoo habang nag-iimbestiga.
Depensa ng zoo, hindi nagpakita ng aggressive behavior ang leon bago ang insidente. Ayon sa pamahalaan, posibleng ito ay suicide ng binata.
Pinsan ng biktima, si Icara Menezes, sinabi na, "Hindi siya masamang bata, simpleng bata lang na kailangan ng support na hindi niya natanggap."




